Napanood namin ang premiere ng World War II epic na Iliw (Nostalgia) bilang bahagi ng Cinemanila Digital Lokal Competition sa Market! Market! Cinema 6 noong Linggo ng gabi, October 18. Ito ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo at prinodyus ng Ilocandia Heritage, kung saan tampok ang nagbabalik na si Kaye Abad, kapareha ng Japanese actor na si Hiroyuki Takashima.
"Maraming matututunan na lessons sa love sa pelikula," kuwento ni Kaye nang makausap siya ng PEP (Philippine Enterrainment Portal). "Pati sa friendship. At saka significant sa akin ito, being my first indie film. Na-excite ako kasi period film siya. Tapos, sinabi pa sa aking may makakasama akong Japanese actor. Na-challenge ako. Nagandahan ako sa script nang mabasa ko."
Nagbakasyon si Kaye kaya nawala siya sa eksena. Na-enjoy daw niya nang husto yun kaya nagtagal.
"Bumalik ako, nag-umpisa ako sa Super Inggo," aniya. "Umabot ng isang taon, nawala na naman ako. Heto lang, noong huli, sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, doon nag-umpisang magtuluy-tuloy na talaga.
"Nakapag-guest ako sa May Bukas Pa. Then, heto nga, busy uli sa Precious Hearts Romances Presents Somewhere In My Heart. Timing din na inumpisahan na sa ere yun, then itong movie sa Cinemanila. Nag-build up talaga, kaya ramdam yung pagbabalik."
Matunog daw ang pangalan ni Kaye for Best Actress sa Cinemanila Digital Lokal category. Wala namang gaanong expectations ang aktres dito.
"Masaya lang ako dahil yung projects na naibibigay sa akin, pa-mature na talaga. Naniniwala akong timing lang talaga. Pana-panahon lang.
"Nanibago lang ako sa tapings. Sumi-sige na ako from one taping to another. Aside from Somewhere In My Heart, nag-start na kami ng Rubi with Angelica Panganiban. Matagal kasing walang ginagawa, pero heto, nasasanay na uli yung katawan ko sa sistema. Yung dalawang regular tapings pa lang na 'yan, I've got my hands full na, kumakain na ng oras. Everyday, nagte-taping ako.
"Dito naman sa indie film na ginawa ko, hindi ito yung minadali lang. Thirteen days kami sa Ilocos, sa Vigan, magkakasama kami nina Ron [Morales], Ping Medina, Hiroyuki... Naging ka-close ko yung nasa cast, pati sa crew. Kaya nang mag-uuwian na, umiyak talaga ako. Imagine, 24/7 kaming magkakasama," kuwento ni Kaye.
GUJI & JOHN LLOYD. Click na click ang tambalan nila ni Guji Lorenzana na napanood noon sa Bud Brothers at heto nga, sila na ang mga bida sa Somewhere In My Heart.
"Nakakagulat ang team-up na ito," sabi ni Kaye. "Maski ako nasosorpresa dahil after Tabing-Ilog, kahit sino ang ipareha sa akin, ang hinahanap ng mga tao, si John Lloyd [Cruz]. This time, mayroon pang fans club. Nakakatuwa."
Nabanggit na rin lang si John Lloyd, ano na ang level ng friendship nila?
"We're really, really good friends," sagot ng aktres. "Close kami ni Lloydie, pero yun lang muna. Kumbaga, ini-enjoy na lang namin ni Lloydie yung nangyayari sa career namin. Siya, napakaganda ng takbo ng career niya at ako nama'y nagbabalik. Nararamdaman ko na unti-unti, tinatanggap ako ng marami."
Kumusta na ang lovelife?
"Hmmm... masaya naman ang puso ko, okey lang!" natatawang sagot ni Kaye. "Kasama na rin kasi yung trabaho, basta ganoon na lang. Nariyan ang blessings at mga kaibigan. Okey na ako."
0 comments:
Post a Comment