Sa isang panayam sa SNN, hindi maitago ni Maricar ang excitement sa nasabing paparating na proyekto. Ani nga niya, it is in fact an honor to be a part of John Lloyd-Bea tandem’s comeback movie, lalo pa’t malaking papel ang gagampanan niya dito as the leading roles’ third wheel. Paliwanag pa niya sa kanyang tunay na nararamdaman, “Mas maraming ine-expect sa akin in this one so medyo kinakabahan ako sa kabila ngexcitement.”
Now that she’s finally stepping up in the midst of the limelight, walang humpay naman ang pasasalamat ni Maricar sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya’t nagbukas ng pinto para marating ang kinaroroonan niya ngayon. Pagbabahagi rin niya, tinatayang malaking tulong din daw ang ani mo’y sunod-sunod na challenging roles na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network these past few months to mold her into a better actress. For her next projects, hopefully daw ay maka-encounter pa siya ng ibang roles na susubok sa husay niya sa pag-arte. “Anything different is always welcome for me to do. Ngayon mayaman ang roleko (in Lovers in Paris), gusto ko naman sana medyo kengkoy, medyo magulo ang gagampanan ko,” dagdag ni Maricar.
Source
0 comments:
Post a Comment