Sunday, October 4, 2009

Maja Salvador shoots commercial with Boys Over Flowers' Kim Bum




Dumating sa bansa noong Miyerkoles, September 30, si Kim Bum o mas kilala bilang Yi Jeong sa top-rating Asianovela ng ABS-CBN na Boys Over Flowers, upang maging bagong endorser ng RC Cola at para mag-shoot ng isang commercial katambal ang young actress na si Maja Salvador.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja kaninang hapon, October 3, sa presscon ng RC Cola na ginanap sa ELJ Builing ng ABS-CBN, ay sinabi niya na nakapag-shoot na sila ni Kim ng commerical. Sa Binondo at Paco, Manila ang location.

Hindi naman daw sila gaanong pinagkaguluhan doon. Konti lang ang nanood dahil sa balitang may darating na typhoon, ito ngang si Peping na nasa bansa na ngayon at nanalanta sa Northern Luzon.

Kamusta naman ang commercial nila ni Kim?
"Sobrang nakakakilig yung istorya. Ako'y kinilig. Doon din sa set e lahat, matanda, bata, lahat po ng edad, kinilig din po."

May kissing scene ba sila ni Kim sa commercial?
"Abangan ninyo na lang po. Hindi daw po puwedeng magsalita, e. Basta nakakakilig. Abangan ninyo na lang po."

Nung unang sinabi raw kay Maja na gagawa siya ng commercial with Kim ay napatili raw siya.

"Kasi napakasuwerte ko. Ang daming nangangarap na mga bata ngayon, na mga teens ngayon na makasama siya o kaya makapagpa-picture man lang. Ako makapagpa-picture, makita ko man lang, di ba parang masaya na ako?

"Eto grabe, grabe yung ginawa naming commercial, yung mga eksena na parang gusto kong isipin na ano ba ito, panaginip lang ba ito o talagang nangyayari? Yung ganoon.

"Alam ninyo, etong 2009, ito yung isa sa napakaimportanteng memories na nangyari sa akin na talagang itatago ko. At magandang birthday gift na rin siguro na natanggap ko."

"MAGALING MAKISAMA." Bukod sa pagiging guwapo, ano pa ang nagustuhan ni Maja kay Kim?

"Magaling siyang makisama, e. Sobra!" sagot ni Maja. "Kahit na minamadali kasi parang konti lang yung oras niya dahil kailangan niya nang bumalik ng Korea, parang sa kanya okey lang yun. Relax lang siya. Yung hindi mo siya makikita na parang masungit. Yung masaya lang din siya.

"Tapos parang lagi niya akong tinatanong, kung lagi akong pagod, ganyan, ganyan. Tapos parang yung tina-try din niya na parang... ahh... alam ninyo yun, na maging okey lahat sa set kahit na may typhoon na."

Napapanood daw dati ni Maja si Kim sa Boys Over Flowers. At hindi raw siya makapaniwala na nakatrabaho at nakasama niya ito sa commercial.
"Sinabi ko sa kanya na I'm a big big fan of their shows," sambit ni Maja.

"Tapos parang nagtanong siya kung sikat daw ba yung mga Korean artist dito. Ayun kumanta ako ng 'Twenty One,' yung 'Nobody.' Natuwa naman siya. Gusto ko namang maramdaman niya na welcome na welcome siya dito sa Philippines."

Sinabi ni Kim sa isang interview na napaka-professional daw magtrabaho ni Maja. Anong reaction niya dito?

"Ah, siyempre, para manggaling sa isang international actor, parang nakakatuwa naman po na ganyan ang nakita niya sa akin. So yun po."

Bukod sa hindi nawawalan ng show sa ABS-CBN ay mabenta ring product endorser si Maja. Anong feeling na sunod-sunod ang mga blessings na dumarating sa kanya?

"Ah, hindi ko po maipaliwanag kung ano pang dapat maramdaman, yung kung meron pang mas magandang word dun sa masaya. Kung meron pang mas tutumbas sa word na yun. Yun na po siguro."


Ang Korean actor na si Kim Bum ay mapapanood muli sa isang sports drama na may titulong Dream na siyang ipapalabas sa Kapamilya Network.

Source: Rommel Placente, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review