Tuesday, October 13, 2009

Mikaela Bilbao: "Hindi ako ipinanganak sa mundong ito para matakot sa isang Gretchen Barretto!"


Nagpaunlak ng sit-down interview ang businesswoman na si Mikaela Bilbao kay John "Sweet" Lapus para sa Showbiz Central kahapon, October 11.

Ang naturang interview ay may kaugnayan sa isyung lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa text messages na ipinadala umano ni Mikaela sa dating aktres na si Ana Abiera, kung saan binanggit din ang mga pangalan nina Gretchen Barretto, Pops Fernandez, Dody Puno, at Sen. Miriam Defensor Santiago. Sinagot na rin ni Mikaela ang isyung ito sa panayam sa kanya ng PEP.




"Just stressed!" ang nakangiting tugon ni Mikaela nang kumustahin ni Sweet. Kaya sabi ni Sweet, iisa-isahin daw nila ang mga isyung nagpapa-stress dito. Una na nga ang lumabas sa PEP tungkol sa text messages na diumano'y ipinadala niya kay Ana.


"Masamang-masama ang loob ko dahil tahasang pinaratangan ako nang walang basehan. Kasi, hindi ako ang nagpadala ng text message na yun," sagot ni Mikaela habang nakatingin nang diretso sa camera.

Sa palagay mo, bakit nasabi ni Gretchen yun sa short interview niya sa PEP na sinabi raw ni Ana, or bakit sila nag-conclude na sa 'yo galing yun?

"Hindi ko alam kung bakit ako ang pinupuntirya ngayon. I don't have any idea. First, I am not from show business. Second, hindi ko 'to linya. Hindi ako dapat nandito."

Ang mga text message ay hinimay-himay ni Sweet kay Mikaela.

First text message: "Alam ni Gretchen at Pops kung sino ako. Matagal akong nananahimik at nagpapagaling pero ayaw nila akong tantanan. Puwes sa senado kami magkikita. Wala akong kinakatakutan kahit sino pa. Alam ko Ana na humingi kayo ng 500k na advance sa Serena kasama mo si Gretchen. I recorded my conversation with Jenny Munar."

May alam ka ba regarding Serena? May idea ka ba?

"Wala po," maikling sagot ni Mikaela.

Do you know anyone by the name of Jenny Munar?

"Jenny Munar is my client. Restaurant owner at saka siya yung napapayat namin ng limang treatment lang. Other than that, wala."

Second text message: "Pakisabi sa dalawa mong alaga... Hindi ko sila tatantanan at hindi ko sila uurungan. Mismong tatay ko binaril ko, mismong anak ko hindi ko inuurungan. Sino sa tingin nyo kayo? Gusto kong malaman kung gaano kayo katapang. Nananahimik ang buhay ko pa-letter-letter pa kayo. Antayin ninyo ang sagot ko."

Question, ang tatay mo ba, binaril mo?

"Hindi ko po binaril ang tatay ko!" sagot ni Mikaela.

Buhay pa ba ang tatay mo?

"Opo, buhay pa ang tatay ko!" natatawa na niyang sabi. "E, di sana wala ako rito, nasa kulungan ako kung may binaril ako? At saka, hindi ko maintindihan, my son is not an abused child!"

Third text message: "Tingnan ko lang kung anong presinto kayo ni Dodie babagsak sa mga raket ninyo."

Do you have any idea or naririnig sa mga raket nina Gretchen or Dody for that matter?

"I'm a part of some of the parties that they go to. I hear some things, but I don't really know anything of much more of a raket."

"KASUHAN MO AKO!"
Sa interview ni Gretchen sa editor-in-chief ng PEP at YES! na si Jo-Ann Maglipon ay sinabit ito ng aktres: "Mikaela came to us around February or March this year. Mikaela is a friend of Pops and Ana. Ipakilala raw namin siya kay Dody kasi may contractor siyang kaibigan na gustong ilapit. 'You hook me up with him,' sabi niya. At sinabi niyang may 25 percent to 30 percent daw kaming commission."

Ano ang masasabi ni Mikaela rito?

"Wala akong nilapitan sa kanila," mariing sabi niya. "As a matter of fact, hindi ako lumalapit sa kanila. Gretchen, mag-ingat ka lang sa pagsasalita mo...baka marami... You know, I don't want to... I don't need to say more, hindi ako ipinanganak sa mundong ito para matakot sa isang Gretchen Barretto!"

Sinabi naman daw ni Gretchen na nothing prospered about that deal dahil the project never happened. Pero sinabi ng aktres na gusto niyang "ipa-blotter at kasuhan" si Mikaela at kinokonsulta na raw nito ang lawyers niya.

Ano ang reaksiyon dito ni Mikaela?

"Okay lang. Please!" may diin pero nangingiti niyang tugon. "Please, please, Gretchen Barretto! Kasuhan mo ako nang malaman na ng buong mundo ang katotohanan. Please! I am telling you, I am begging you, go ahead. Matagal ka nang sinuwerte. Sana ingatan mo ang mga blessings mo, baka magtampo ang tadhana. Please, kasuhan mo ako!"

Ikaw ba, balak mo rin ba ipa-blotter or kasuhan si Gretchen sa mga sinabi niya?

"Whatever my plans are, hindi ko muna sasabihin. Hayaan na natin ang panahon ang magsabi."

Bulung-bulungan, nagbago raw ng number si Mikaela para hindi siya maiturong nagbigay ng text message?

"Yung number ko, ganoon pa rin. Hindi ako nagbago ng number. As a matter of fact, kanina, tinawagan ko si Pops Fernandez, nagbago ng number. Tinawagan ko si Gretchen Barretto, nagbago ng number. Sila ang nagbabago ng number, sila ang nagtatago. Ako, hindi ako nagbabago ng number, hindi ako nagtatago."

Bakit mo sila gustong tawagan?

"E, kasi, gusto kong malaman kung ano ang pinaggagawa nila. Kasi alam mo, Gretchen Barretto, sasagutin kita. Sa kahit na anuman. Itong pagbibintang mo sa akin, gusto kong malaman ito kung bakit mo ito ginawa."

Ano ang message mo kay Ana Abiera?

"Ang ipinakita mo sa akin, mabuti kang tao. Kliyente mo ako. Sana man lang, with due respect man lang as client, tinawagan mo man lang ako kung sa akin nanggaling ang text messages na 'yun."

Kay Gretchen?

"Ang masasabi ko lang is this... mag-file ka ng demanda para malaman na ng buong mundo ang katotohanan."

Sa dati mong endorser at kaibigan na si Ms. Pops Fernandez?

"I don't really know what happened, why you didn't call me."

Hanggang saan niya kayang ipagtanggol ang sarili?

"Hanggang sa kamatayan," sagot ni Mikaela.

Gaano katapang si Mikaela Bilbao?

"Ang tapang ko, nanggagaling sa puso ko, hindi sa ulo ko. Matapang ako, but I respect the rights of people."

Source

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review