Wednesday, October 28, 2009

John Lloyd Cruz expects ticklish first-time teamwork with Angel Locsin!

Reigning Box-offce King John Lloyd Cruz inked another two-year contract with the Kapamilya network last Monday, October 26. In almost one decade of his showbiz career, John Lloyd already made his own niche in the industry as one of the best dramatic actors of his generation.



In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) after the contract-signing, the actor expressed his elated gratitude for all the good projects that his mother studio gives him.

"Siyempre, bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon, bibihira ang nakaka-experince ng ganitong klaseng pagtitiwala mula sa ganitong kalaking kumpanya, mula sa isang napakalaking miyembro ng executive world ng ABS-CBN. Hindi yun madalas sa mga kagaya namin, so talagang punung-puno ako ng pasasalamat.

"Kailangan kong maging maingat. Siyempre, pag pinagkakatiwalaan ka, malaki rin yung ine-expect sa iyo. Siyempre, hindi naman yun ganung kadali. Maraming dapat na i-consider na factors, like yung timing, yung mga materials na gagawin mo. Maraming dapat isipin, maraming dapat alagaan. Masarap na may nagtitiwala sa iyo, especially pag ganyan kalaking pagtitiwala ang inaabot sa iyo, pero malaking trabaho from my end and dapat kong ibigay o isukli," tuluy-tuloy na pahayag ni John Lloyd.

Noong isang buwan pa dapat pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si John Lloyd, pero dala ng mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ito nangyari agad.

"Well, ito, finally nangyari na siya. Medyo matagal-tagal ko ding hinintay ang panahon na ito, kasi maraming inayos. At yun nga, sabi sa akin ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive], alis daw ako nang alis. When I was about to sign a month ago, nagkasakit naman ako, so hindi natuloy. But now, ito na.

"It's a two-year contract. Bale may teleserye and, of course ASAP. Yun ang mga naka-stipulate sa contract ko," banggit ng aktor.

SOAP WITH ANGEL. Kinumpirma ni John Lloyd na ang teleseryeng gagawin niya ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin.

"After ng movie ko with Bea [Alonzo] na lalabas by February, babalik na ako sa TV, kasama ko si Angel Loscin. Sa tingin ko, punung-puno ito ng awkwardness na sa tingin ko natural lang naman. Kailangan lang trabahuhin coz kami naman din ni Bea, nagsimula kami na di kami halos nag-uusap. Kami ni Sarah [Geronimo], ganun din naman. Lahat dapat magsimula somewhere," saad ni John Lloyd.

Naikuwento rin ng aktor na noong kinunan sila ni Angel para sa station ID ng ABS-CBN ay nakaramdam siya ng pagkailang.

"Kahapon [Oct. 25], nag-shoot kami ng station ID. Masaya, okey naman kami. Magkakilala naman kami, matagal na kahit hindi pa kami nagkakasama sa TV. Kaya lang, ako talaga naiilang pa ako. Pinaakbayan lang siya sa akin, hindi ko siya maakbayan. Nakakailang lang, pero sobra akong interesado sa team-up namin. Sobra akong interesado sa magagawa namin together na trabaho. Naniniwala ako sa mga energy niya, kita ko, ramdam ko siya."

Hindi kaya ang dating boyfriend ni Angel at kaibigan ni John Lloyd na si Luis Manzano ang dahilan kung bakit siya naiilang sa aktres?

"Wala naman akong dapat ikailang because of Luis," sagot ni John Lloyd. "I will joke about it as often as I want to, but it's a joke. A joke is a joke. Kilala ko si Luis, alam niyang trabaho ang lahat. Walang rason para magkailangan dahil kay Luis o sa kahit na kanino pa mang tao. Ang pinanggagalingan lang ng pagkailang ko ay may bago na naman akong makakasama."

MOVIE WITH BEA. Isang pelikula rin under Star Cinema ang sisimulang gawin nina John Lloyd at Bea a week after ng Heartthrob tour nila sa Europe. Ayon sa aktor, isa itong kakaibang pelikula na hindi pa nakikita sa kanila ng kanilang mga tagasubaybay.

"Ang pinaka-exciting dito, kakaibang klase ng storytelling. Hindi ko pa siya maipapaliwang coz wala pa akong hawak na script. Ang pinanghahawakan ko lang ay yung storycon na nangyari last week. Sa lahat ng mga nakapanood ng pelikula namin ni Bea, first time kaming gaawa ng ganitong paglalahad ng istorya," sabi niya.

May mga nagsasabi noon na dahil kumita ang mga pelikulang ginawa ni John Lloyd without Bea—like A Very Special Love, You Changed My Life, at In My Life—ay kaya nang tumayo ng aktor mag-isa o kahit iba pa ang kapareha niya. Isang bagay na hindi raw magagawa ni Bea pag iba ang kasama nito. Pero nasira ang paniniwalang ito nang kumita ang And I Love You So, kung saan si Sam Milby ang naging leading man ni Bea.

Ano ang masasabi ni John Lloyd tungkol sa pagganap ni Bea?

"Napanood ko ang And I Love You So and talagang humanga ako sa performance niya. Scene after scene, talagang hindi niya binitawan, hindi niya pinabayaan. Napakahusay ng performance niya. Wala akong masasabi, sobrang galing, sobrang believable yung nakita ko sa kanya. Talagang napaniwala niya ako na pinagdaanan niya yun. Yun na yata ang pinakamagandang role and portrayal na nakita ko kay Bea.

"Sa akin kasi, timing is everything. Sinubukan niya, hindi siya nawalan ng loob. So, sa tapang na ipinakita niya sa pagsubok, napatunayan niya na kaya niya. She basically has everything—she has the face, the body, and the talent. Kaya talagang dun siya papunta, dun sa stardom na tinatawag," sabi ni John Lloyd.

Single si Bea at single din naman si John Lloyd, hindi kaya matutupad ang matagal nang hiling ng avid fans nila na sila ang magkatuluyan?

"I think that's the beauty of life. Hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas kaya di ko masasagot 'yan. Kahit dati pa, sinabi ko na hindi ako puwedeng magsarado ng pinto o ng puso ko para sa isang tao at sabihin ko, it's never gonna happen, ever. Hindi ko yun puwedeng sabihin kasi kasinungalingan yun, anything can happen," saad ng aktor.

ANOTHER JOHN LLOYD-SARAH MOVIE. Marami rin sa mga John Lloyd-Sarah fans ang naghihintay na masundan ang mga pelikulang pinagsamahan nila. Sinabi ng aktor na matutuloy naman ito, pero medyo matatagalan nga lang.

"Hindi pa siya tuloy as of now, but alam mo naman sa business na ito how things can change na kahit last minute na lang, naiiba pa. Talagang naka-set naman siya, but not in the near future," sabi niya.

SHAMPOO COMMERCIAL. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni John Lloyd sa intrigang siya dapat ang kasama nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes sa isang shampoo commercial, pero pinalitan siya ni Jericho Rosales dahil nag-inarte raw ang aktor. Ayaw raw kasing pumayag ng kampo ni John Lloyd na si Piolo ang nasa gitna at siya ay nasa gilid lang.

"Kinausap kasi ako nila Tita Mariols, [Alberto, Star Magic head]. It would be safe, it would be just right and proper kung huwag na lang akong magsalita, kasi yung mga tao namang involved, yung mga taong nakakaalam ng istorya, yung mga taong nakakaalam ng totoong nangyari, alam nila yun," pahayag ni John Lloyd.

Source: Melba Llanera, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review