Tuesday, October 6, 2009

Gerald Anderson finally speaks about his celebrated heroic act




Matapos ang mabilis na pagkalat ng balita kaugnay ng ipinamalas niyang kabayanihan noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy sa subdibisyon nila sa Vista Real Classica sa Quezon City, kanina ay nagsalita na rin sa SNN si Gerald Anderson patungkol dito.


Wala di umanong kamalay-malay si Gerald na habang sumusuong siya sa rumaragasang baha’y kinukuhaan siya ng litrato ng ilang mga kapitbahay niya. Ani pa niya, ang pinaka-concern lamang daw niya noong mga oras na iyo’y masigurong ligtas sa kapahamakan ang mga nakatira sa kalapit-bahay gayong delikado na talaga ang sitwasyon. Kaya naman nang marinig niya ang malawakang pagbabahagi ng isang nagpapasalamat na kapitbahay, sadyang hindi raw niya maiwasang makaramdam ng lubos na pagtaba ng puso.

Isang honor daw sa parte niya ang mabigyan ng pagkakataong tumulong sa mga nangangailangan. At kaugnay ng ngayo’y laganap na pagtingin sa kanya ng publiko bilang bayani, agad namang nagbigay ng isang mapagkumbabang mensahe ang binata sa lahat. “Gusto ko po i-clear out yung tuwing tinatawag akong hero or bayani; nakakahiya talaga kasi yung mga tunay na heroes o bayani andiyan sila sa labas ngayon, yung mga tumutulong ngayon.”

Source:Heidi Anicete, abs-cbnNEWS.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review