Friday, December 18, 2009

Coco Martin denies having a gay TV executive lover!



HINDI na baguhan  sa industriya ang isa sa pinakama-PR na young actor at isa sa cast ng afternoon soap ng ABS-CBN at Best Drama Actor sa 2009 PMPC Star Awards for TV na si Coco Martin.

Samu’t saring intriga na ang hinarap ni Coco at nalampasan naman niya.

Ang latest ay ang sina-sabing hawak umano si Coco ng isang bading na executive ng ABS-CBN kaya marami siyang shows sa Dos at hindi nababakante.



Giit ni Coco, tsismis lang daw ito at paninira sa kanyang pagkatao.

“Actually nu’ng unang lumabas ‘yung issue na ‘yan na may bading na powerful sa ABS na humahawak sa akin kaya marami akong show sa ABS-CBN, ‘yung family ko kaagad ang nag- alala at mas naapektuhan. Kasi nga alam nilang wala itong katotohanan.

“Nang kausapin nila ako tungkol dito ay tina-wanan ko lang kasi wala hindi talaga totoo. Nagsimula lang naman ‘yun nang may isang reporter na nagtanong na baka may bading na ABS-CBN executive na may hawak sa akin kaya tambak ang projects ko sa Dos, na sinagot ko ng “wala” sabay ngiti.

“Mas maganda kung papangalanan nila kung sino ‘yung sinasabi nilang exe-cutives na hawak sa akin para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling. Alam kong malabong mangyari ito dahil wala naman talaga silang mailalabas na tao,dahil gawa-gawa lang nila ‘yun.”

Tinanong din si Coco kung balak pa ba niyang gumawa ng sexy indie film lalo ngayon na hit siyang endorser ng Bench at Wow Ulam and certified leadingman ng Kapamilya Network.

“Oo naman. Wala na-mang problema, basta maganda ‘yung script, doon naman kasi ako nagsimula at nakilala. Siguro medyo light sexy na lang at hindi na katulad ng dati. Sa rami ng ginawa kong may temang sexy movies noon, ngayon mas gusto ko munang mag-concentrate sa TV.”

Source: John Fontanilla,www.journal.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review