Wednesday, December 23, 2009

Willie Revillame, pinuputulan na ng pakpak ng ABS-CBN!



OLA CHIKKA! HINDI ko akalain na i-chikka ito ng aking friend na nagwo-work din sa ABS-CBN. Nu’ng Linggo habang nagpro-programa ako sa DZRH, nilapitan ako ng aking friend at chikka nga niya sa akin, “Tita Swarding, alam mo ba na ang host ng Wowowee na si Willie Revillame ay nag-lie low na ngayon sa mga banat niya sa ere? Pagmasdan mo, hindi na siya gaanong nagmamagaling at umaasta na akala mo kung sino. Dahil halos nauungusan na sa rating ang Wowowee ng sinundan nitong programa na Showtime, na halos kalahati lang ang rating nitong nakukuha kumpara sa Showtime.”



Kaya naloka akong bigla. Chikka pa ng aking parazzi girl na nandun din, “Totoo ‘yan, kasi ang ABS mimso ang gustong tumaas ang ratings ng Showtime kumpara sa Wowowee, dahil gusto rin pala ng pamunuan na maungusan ito. Dahil iba na nga raw ang ugali ng mayabang na TV host na si Willie.”

Kalerke, ha?! Mismong ang Dos ang gumawa ng hakbang upang ibagsak ang mayabang na TV host.

Chikka pa ng aking friend na taga-Dos, “Hindi ko lang maibalita, Tita, dahil taga-Dos din ako, at siyempre alam mong ABS-CBN din si Willie.”

Hmmm…. Nakakaloka, ha? May rating man ‘yan o wala, kung lumaki na talaga ang ulo ng TV host na ito, wala ka talagang magagawa. Dahil ‘ika nga, nasa dugo na ‘yan. Hehehe! ‘Yun na!

TITA SWARDING – OOOLA CHIKA

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review