Wednesday, December 23, 2009

Mark Anthony Fernandez di sinipot si Claudine Barretto!



Naglabas ng sama ng loob si Claudine Barretto sa dati nitong nobyo na si Mark Anthony Fernandez dahil sa ilang ulit na hindi umano pagsipot sa meeting ng pagtatambalan nilang pelikula.

Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, hindi itinago ni Claudine ang galit nang ikuwento nito kung ilang oras pinaghintay umano ng aktor ang mga miyembro ng production team.



Bukod kay Claudine, nasa nasabing pulong din umano ang mga writer, ang director at pamunuan ng Viva at Unitel Film. Kaya naman daw hindi maintindihan ng aktres kung bakit hindi sumipot si Mark Anthony.

Pakiramdam umano ni Claudine, nabastos siya dahil tatlong beses na itong ginagawa ng aktor.

“I did not call for this meeting, he called for this meeting… naging 2 pm, naging 4, and then naging walang Mark…so ‘yon….wala rin kaming plano na hintayin siya,” ayon sa aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Nauna ng sinabi ng aktres na handa siyang makatrabaho ang nobyo nang pumirma ito ng kontrata sa GMA 7 bilang bagong miyembro ng Kapuso Network.

Iginiit ni Claudine na propesyunal siya pagdating sa oras at isina-sangtabi niya ang personal na lakad kapag mayroong pagpupulong na dadaluhan. Kaya naman daw lalong nainis ang bagong Kapuso star.

“Two months kaming nag-antay, at two months maraming walang trabaho…Yung crew, mga staff because lang nag-aantay kami sa wala,” hinaing pa niya.

Sinabi sa ulat na sinikap na kunan ng komento si Mark Anthony sa reklamo ni Claudine ngunit hindi raw muna nagbibigay ng pahayag ang aktor.

GMANews.TV

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review