Thursday, October 29, 2009

Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart!




Sa isang maikling panayam sa SNN nito lamang October 19, matapang na sinagot ni Luis Manzano ang mga intrigang pilit pa ring nagli-link sa kanila ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin. Kaugnay ng nasabing panayam, nabanggit rin ng naturang aktor na sa kabila ng sinapit ng relasyon nila ng aktres ay nananatili pa ring mayroong nakalaang espesyal na puwang ang dalaga sa puso niya.



At matapos nga ang matagal na pananahimik, kanina sa SNN ay nagsalita na rin si Angel kaugnay ng naturang isyu. Hindi na itinanggi ng dalaga ang muling pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan nila ni Luis lalo na nang mag-umpisa ang proyekto nila ni Anne Curtis na Shop and Share para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ani niya, isa raw kasi si Luis sa marami pa nilang masugid na supporter simula noong maitatag nila ang naturang campaign.

Pagbabahagi naman ng dalaga patungkol sa tunay na estado ng kasalukuyan nilang relasyon ng dating boyfriend, "Inaayos namin na maging magkaibigan kami. Marami pa kaming kailangang ayusin." At nang sinubok ngang alamin ng SNN kung ano ang tinutukoy niyang kailangan nilang ayusin, ngumiti lamang siya at sinabing "Well, si Luis na lang siguro dapat magsabi sa inyo."
Katulad ni Luis, inamin ni Angel na hanggang ngayo'y may espesyal na parte pa rin ang dating karelasyon sa puso niya. Paliwanag nga niya, sadyang malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa kaya hindi ganoon kadaling balewalain ito. Ngunit nang direkta siyang tinanong kung hanggang sa kasalukuya'y mahal pa rin niya si Luis, nakangiti siyang tumugon ng "Uhm, ayan yung mga tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon."

Source: by Heidi Anicete, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review