Saturday, October 3, 2009

Lorna Tolentino says she wants to work with John Lloyd Cruz again



Nakausap ng ABS-CBN.com ang aktres na si Lorna Tolentino sa 43rd birthday celebration ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kamakailan. Pumayat si LT at lalong bumabata ang hitsura. “Nagda-diet ako. Malaki kasi ako’ng tingnan sa TV,” umpisa ng isa sa main cast ng primetime teleserye sa ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw.

May mga bali-balita na hindi raw sinipot ng co-star niya sa Dahil May Isang Ikaw na si Kristine Hermosa ang taping nila. Totoo ba? “Huh? Wala, wala pa ako’ng taping na na-pack-up dahil wala siya. In fairness kay Kristine wala ako’ng problema sa kanya. She’s professional naman lalo na kapag nasa set na kami. Nagugulat nga ako dahil sa husay niya, e.”

Puring-puri din ni Lorna ang aktor na si John Lloyd Cruz sa In My Life. Matatandaan na nakasama ni Lorna noon si John Lloyd sa teleserye ng aktor with his loveteam na si Bea Alonzo sa Kay Tagal Kang Hinintay. “Habang nanonood nga ako nu’ng movie, tinext ko si Ma’m Malou (Santos, Star Cinema’s Managing Director). Sabi ko, ‘Pakakasalan ko si John Lloyd anytime.’ E, ‘di ba naghahanap si John Lloyd ng mapapangasawa sa movie? Kaya tinext ko si Ma’m Malou. Nu’ng pinapanood ko ‘yung movie, wala akong trace na nakita na John Lloyd, eh. Ang nakita ko talaga ‘yung character na pinu-portray niya,” kwento ni Lorna.

What if in real life ligawan siya ni John Lloyd o ng mga kasing-edad ng aktor? “Kabilin-bilinan ni Papa (Rudy Fernandez) huwag kaedad ng mga anak ko. E, one year lang actually ang diperensya niya sa mga anak ko.” Siyempre gustong-gusto ni LT na gumawa ng movie with John Lloyd kahit pa May-December affair ang istorya. Muli ay tinanong namin si LT kung halimbawang may movie sila ni John Lloyd, okay ba siya na maka-kissing scene ang aktor? “Sana makalimutan na nila ‘yung role ko noon sa ginawa naming teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay. Kasi kung nandu’n pa’yung memory, mag-ina kami doon, Ay, incest ito!” natatawang pagtapos ni Lorna.

Source:ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review