Wednesday, October 21, 2009

Christine Reyes will soon move into her new home!



Matapos ang trahedyang sinapit sa kamay ni Bagyong Ondoy, kung saan ilang oras din siyang na-stranded kasama ang ilang kapamilya sa bubong ng kanilang bahay sa Provident Village, Marikina, unti-unti na di umanong bumabangon si Christine Reyes upang maibalik sa normal ang pamumuhay nilang mag-anak. Sa kasalukuyan, nakatira pa rin daw sila ng kanyang ina sa bahay ng ate niyang si Ara Mina. Ngunit sa kabila nito’y patuloy pa rin daw ang pag-aayos niya sa binili niyang bagong matitirahan nila.

Duplex di umano ang binili ni Christine. Ang isang bahay ay para sa kanya, habang ang isa nama’y inaayos niya para malipatan ng kanilang ina. Sa ngayon ay nag-uumpisa na raw siyang mag-furnish ng mga ito. Pagbabahagi nga niya sa ginagawang pagsasaayos, “Una kong nabili is kama. Dining set meron na rin... Meron din pala siyang rooftop, para in case na bumaha ulit, nandoon ako sa rooftop (laughs). Pero syempre kinonsider ko rin (lumipat) sa lugar na dapat hindi bumabaha.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw malinaw kung ano ang balak nilang gawin sa nilisan nilang tahanan sa Marikina. Gawa na rin ng sentimental value nito sa kanilang pamilya, mistulang malabo ang plano ng tuluyang pagbebenta nito. Ang nasisiguro lamang daw ni Christine ay hindi na muna niya pababalikin ang ina niya roon dahil na rin sa pangambang maaring maulit ang masamang karanasang sinapit nila roon ilang linggo pa lamang ang nakakaraan.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review