Saturday, October 24, 2009

Katrina Halili says she will continue her fight for justice!



Naglabas na ng resolusyon ang Department of Justice laban kay Hayden Kho kaugnay ng paglabag niya ng RepublicAct on Violence Against Women and Children dahil sa pagre-record niya ng naging pagtatalik nila ng aktres na si Katrina Halili.


Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang pormal na inihapag ni Katrina sa korte ang naturang kaso. Kaya naman ngayong unti-unti nang umuusad ang hustisya sa aniya’y pambababoy na ginawa sa kanya ni Hayden ay hindi na niya maitago ang kanyang kagalakan. Pagbabahagi nga niya sa SNN, “Syempre sobrang happy ako kasi unang-una ‘yon po ang pinakaimportante sa akin, si Hayden Kho.”
Kaugnay naman ng pagkaka-dismiss ng mga kasong isinampa niya kina Vicki Belo, Bistek Rosario, Erik Chua at Princess Velasco bilang mga nanguna di umano sa pagpapakalat ng naturang video, iginiit ng aktres na hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob. Aniya’y umpisa pa lamang ito ng kanyang laban at umaasa siyang darating din ang panahon na mabibigyang linaw ang lahat. “Hindi pa natin alam, so pag-uusapan pa namin ano gagawin namin sa mga na-dismiss na case,” dagdag pa niya.
Ngayong nakaangat na sa korte ang muling pagtutuos nina Katrina at Hayden, wala na di umanong inaasahan pa ang dalaga sa binata liban sa pagsipot nito sa maise-set na hearing nila. At kung sakali namang humingi ng tawad sa kanya ito, kahit pa huli na’y malugod naman daw niya itong tatanggapin. Ngunit nilinaw niyang hindi pa rin niya ihihinto ang kaso kung sakali mang mangyari yun. “Okay lang. Sige, tatanggapin ko [yung sorry niya] pero lalaban pa rin ako.

Source

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review