Wednesday, October 28, 2009

Paul Soriano shows all-out support for his girlfriend Toni Gonzaga’s upcoming movie with Sam Milby!


Matapos ang ginawang special screening ng indie film na A Journey Home sa Dolphy Theater, hindi matatawaran ang ngiti ng direktor na si Paul Soriano at aktres na si Toni Gonzaga habang papalabas ng naturang venue. Ani ng magkasintahan, sadyang nakaka-overwhelm di umano ang magagandang reaksyon ng mga manunuod sa nasabing pelikula. At sa nasabi ngang maikling panayam, hindi na rin naiwasan ni Toni na magbigay ng opinyon kaugnay ng naging first-hand experience niya sa pagdi-direct ng real-life boyfriend niya. “Perfectionist siya. At saka syempre gusto niya talaga na maging maganda yung film kaya pinipiga niya mga artista niya” pagbabahagi ng dalaga.



Kaugnay naman ng muling pagbabalik-tambalan sa pelikula nina Toni at dating nali-link dito na si Sam Milby sa mainstream movie na Ang Tanging Pamilya, wala namang pag-aalinlangan ang lubos-lubos na pag-aabot ng suporta ng director-boyfriend ni Toni. Sa katotohanan pa nga raw, noon pa ma’y bilib na siya sa husay ng chemistry ng dalawa on screen kaya naman ganoon na lamang siya ka-supportive sa movie comeback ng love team ng mga ito. On a personal note naman daw kasi ay malaki ang tiwala niya sa dalaga kaya wala siya dapat ika-insecure in any way. Paliwanag nga niya, “We (Paul and Toni) always talk... I’m pretty secure with our relationship... I respect her job e, and that’s part of it.”

Source: by Heidi Anicete, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review