Tuesday, October 27, 2009

John Lloyd Cruz: a certified Kapamilya star!


Kanina, lantaran nang inihayag ng “Certified Blockbuster Prince” na si John Lloyd Cruz ang desisyon niyang manatili sa pangangalaga ng Kapamilya network. Kasama ang ilang matataas na officials ng ABS-CBN at Star Cinema, muling pumirma ng 3-year contract si John Lloyd with the said media outfits.



In line with the renewal of his contract, marami na di umanong nakapilang projects ang binata sa susunod na mga buwan. Liban sa magiging pagbabalik teleserye niya kasama ang aktres na si Angel Locsin, inaasahan di umanong uumpisahan na rin ang pinananabikan ng lahat na movie comeback ng tambalan nila ng aktres na si Bea Alonzo sa pelikulang Miss You Like Crazy. Sa November 16 na raw ang nakaschedule na unang shooting day ng naturang pelikulang ito; at sa nalalapit na ngang araw na ito’y hindi naman na maitago ni John Lloyd ang kaba sa kabila ng nararamdaman niyang excitement. Ani nga niya, sa tagal ng pagkawala sa pinilakang-tabing ng love team nila ni Bea ay hindi na rin niya masiguro kung magiging pareho pa rin ang pagtanggap ng publiko sa kanila.

Isa pang pinagmumulan ng kaba ni John Lloyd ay ang ani mo’y inooffer na challenge ng paparating nilang project. Kumpara raw kasi sa mga nauna na nilang pelikula ni Bea, sadyang ibang-iba raw talaga ito. Paliwanag nga niya, “Sa lahat ng mga nakapanood ng mga pelikula namin, first time po kami gagawa ng ganitong klase ng paglalahad ng istorya.” Ganoon pa man, masaya na rin daw siya sa pagbibigay sa kanila ng ganitong uri ng pagkakataon dahil higit lamang nitong maipapakita ang diversity nila ni Bea bilang aktor at aktres.

Source:by Heidi Anicete, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review