Thursday, October 22, 2009

Angelica Panganiban reacts on Gretchen Barretto’s open admiration of Derek Ramsay!



Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang lubos na paghanga ni Gretchen Baretto sa aktor na si Derek Ramsay. Sa isang maikling panayam ng SNN sa kanya nito lamang nakaraang Star Magic Ball, inamin ni La Greta na bahagyang kinikilig siya dahil sa unang pagkakataon raw ay personal niyang nakilala ang nasabing binata’t higit niyang napatunayan kung gaano talaga ito kagwapo. Gawa na rin nito, binanggit din ni Gretchen na she’s looking forward to do a project with Derek. At kung sakali namang magkaroon sila ng kissing scene, hindi na raw niya kailangang magdalawang-isip pa.



Pero kahit very vocal si Gretchen sa kanyang paghanga kay Derek, hindi naman nathre-threaten in any way ang real-life girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban. Wala raw problema sa kanya kung sakaling mangyari ang kagustuhan ni Gretchen na magtambal sila ni Derek sa isang proyekto. “Wala naman akong nararamdaman tungkol dun. Okay lang naman sa akin kahit na magtrabaho sila. Wala naman pinaparamdam sa akin si Derek na pwedeng mag-cause ng insecurity ko sa kanya e,” confident na pahayag ni Angelica tungkol sa nasabing isyu.


Source

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review