Friday, October 30, 2009

Sarah Geronimo goes the extra mile for her upcoming Record Breaker concert!


Matapos ang pinakahuling successful concert ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, isa na namang panibagong sorpresa ang hatid ng dalaga sa lahat ng kanyang fans. Sa darating na November 7, muli di umanong tutungtong ang tinaguriang isa sa brightest young stars of this generation sa entablado ng Araneta Coliseum para maghatid ng saya, at aniya'y nakagugulat na live performance para sa solo concert niyang entitled Record Breaker.



Ngayon pa lamang, sadyang busy na ang dalaga sa pagre-rehearse para sa nasabing paparating na event. At sa isang ngang maikling interview niya sa SNN ay hindi na niya magawa pang itago ang lubos na kasiyahan at excitement sa kabila ng pagiging sobrang abala these past few days. Pagbibigay linaw din niya kaugnay ng kanyang mixed emotions, sadyang kabado pa rin daw siya kahit pa sabihing hindi ito ang unang solo concert niya; dahil ani nga nga niya'y sadyang ibang-iba ito sa mga nagawa na niya. Nang subukan namang tanungin ng SNN kung sobrang bongga ba talaga ang mangyayaring event na ito, straightforward namang sumagot si Sarah ng "Depende sa akin 'yan (sa performance ko) that night. Depende talaga sa akin kung magiging bongga talaga."

On a more personal note, malaya na ring nagpahayag si Sarah ng saloobin kaugnay ng break up isyu ng kaibigan niyang si Rachelle Ann Go kay Gab Valenciano. Ani nga niya, malungkot siya sa kasalukuyang pinagdaraanan ng kanyang kaibigan, pero she firmly believes that Rachelle is strong enough to overcome the said trial. Pagbabahagi nga niya ng personal na pananaw kaugnay nito, "Dapat maging careful na lang talaga next time. Pero ganon yata talaga po 'yon e; part siya ng growth mo bilang individual, yung dumaan ka sa mga ganoong instances sa buhay mo pagdating sa love matters. It makes you a stronger person."

Source: Heidi Anicete, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review