Friday, October 9, 2009

Gerald Anderson on his love team with Kim Chiu: ‘Ang love team hindi forever andyan’!




Very vocal ever since sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa estado ng relasyon nilang dalawa. Aminado ang dalawa sa bigat at pundasyon ng kanilang pagkakaibigan ay more than a mutual understanding na raw ang kanilang pagtitinginan. “Yeah! Hahaha!Oo nga ehSabi ko nga, sana, tuloy-tuloy pa rin ang lahat sa amin ni Kimkahit wala na kami sa iisang teleserye. ‘Yun na lang munangASAP every Sunday.This time,siguro, dito na rin masusukat 'yung pagiging magkaibigan namin ni Kim,” paglalahad ni Gerald sa ABS-CBN.com.


Papano niya kaya haharapin ang isang sitwasyong baka pagdating ng araw ay mapunta lang din sa wala ang pinaka-iingatan nilang binuong friendship lalo na ngayong madalas ay hindi na sila magkakasama at magkikita? “Huwag naman sana. Basta't naipangako naming dalawa ni Kimna tuloy-tuloy pa rin ang communications namin at magkikita pa rin naman kami at saka 'yungcommunication namin, always namang nandiyan eh,” sabi pa ni Gerald. Senyales na ba itong kailangan niya na ring mag-move-on ng solo para na rin sa kanyang showbiz career? “Yung love team naman po kasi, hindi naman 'yan forever nandiyan eh. Maybe yes o maybe not. Hindi ko pa talaga masasabi sa ngayon.”
Isa lamang si Gerald Anderson sa mga male actors natin ngayon na nag-umpisa sa telebisyon ang patuloy na pinupuri dahil hasang-hasa na rin ito ngayon sa kanyang pag-arte. Saan nga ba humuhugot si Gerald ng kanyang emosyon? “Sa totoo lang po, naging malaking factor po talaga sa akin 'yung halos ten monthskong pagti-taping for Tayong Dalawa.Yung mga nakasama kong mga artista, mga directors po namin.Siguro, dahil sa mahal na mahal ko rin po talaga ang work ko as an actor that in every project po na ginagawa ko, always kong binibigay ang best ko, kasi, ganoon din ang trust na binibigay sa akin ngABS.(CBN). Kailangang as an actor, gawin mo at ipakita mo sa mga taong nagbigay ng kanilang tiwala sa'yo na kaya mo ang ginagawa mo at pagbutihin mo," kwento pa ni Gerald.
Wala pang kumpirmasyon mula sa pamunuan ng ABS-CBN kung kailan officially ipapalabas sa local TV ang isang teleseryeng muling pagtatambalan nila ni Kim Chiu. Isang love story na silang dalawa lamang ang bida. “Actually, nabanggit na rin po nila sa akin. Kahit wala pa man, actually, nakaka-excite siya. Wala pa po talaga akong masyadong alam sa project na 'yan that's why I cannot elaborate pa. So, ayun, sana,” tugon nito. Anu-ano namang pinagkakaabalahan niya ngayon? “Ayun po, tuloy-tuloy pa rin po ang Agimat, Tiagong Akyat namin at nagso-shooting ng movie, wala pa pong definite title. Basta, may drama, mayaction, may kilig. Nagpapasalamat pa rin po ako sa Diyos dahil tuloy-tuloy pa rin po akong may ginagawa," pagtatapos ni Gerald.


Source

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review