Saturday, January 16, 2010

Coco Martin is not ready for a love life right now!


Coco Martin has become very busy ever since he crossed over from independent films to mainstream television. With his hectic schedule, Coco said that he doesn’t even have time to go on dates. “Marami na akong napagdaanan tungkol sa love life. Nandiyan lang ‘yan. Maraming pwedeng makilala at ligawan. Pero sa ngayon gusto kong samantalahin ‘yung mga blessings na dumadating sa akin. Trabaho muna ang focus ko. Kapag sinabayan ko pa ng love life alam ko madidiskaril lang ako.



ABS-CBN.com then asked Coco about the ladies being linked to him particularly, Karylle and Maja Salvador.

ABS-CBN.com:  Sa isang guesting ninyo sa ASAP ay tinukso ka ng mga kasama mong Agimat boys kay Karylle at binuko nila na type mo nga ang anak ni ZsaZsa Padilla. Bakit hindi mo subukang ligawan si Karylle, tutal single naman kayo pareho?

Coco: Once lang kami nagkita ni Karylle. Mabait siya. Nagte-text kami minsan pero hindi naman naging malalim ‘yung communication namin. Ang totoo torpe ako. Magkaiba kami ng status sa buhay. Hindi ko naman minamaliit ‘yung sarili ko pero ayoko namang masyadong maging ambisyoso. Si Karylle ‘yan. Iba na ‘yan. Feeling ko hindi ko siya ka-level.

ABS-CBN.com: Ito ba ay dahil may secret relationship na kayo ni Maja? Ang chismis ay nagkamabutihan kayo sa taping ng Nagsimula sa Puso, dahilan na rin kaya nagkaroon kayo ng “CocoJam” fans club.

Coco: Naging malalim lang ‘yung friendship namin ni Maja. Masayahin siyang tao pero malalim na artista. Kapag kami ang magka-eksena, nawawala ‘yung Coco at Maja. ‘Yung mga characters namin ang nabubuhay. Ibang klase siya. Para rin siyang nanggaling sa indie.

The PMPC Best Actor winner said that he has plans settling down someday, but not until he becomes financially stable. “Gusto ko kasi kapag nagkapamilya ako maayos na lahat. Sa ngayon sinusuportahan ko pa ‘yung ibang pamilya ko. Kapag may asawa at anak na ako at hindi pa ayos ‘yung ibang pamilya ko hindi rin ako matatahimik. ‘Yun muna ang priority ko sa ngayon.”

While the projects are pouring in, Coco is making sure that he gets to save up for the future as he knows showbiz is not something he can do forever. “Nakabili na ako ng Starex [van.] Kailangan ko naman kasi talaga ng sasakyan sa trabaho. Pero actually hindi ako mahilig sa material [na bagay]. Praktikal akong tao. Alam ko hindi habang buhay ay nasa showbiz ka. Nagi-invest ako sa mga pangkabuhayan tulad ng tricycle, jeep, apartments. ‘Yun ang kinamulatan kong hanap-buhay ng lola ko at nakita ko kung paano siya kumikita. Habang may kinikita ako naglalagay ako sa mga praktikal na bagay. ‘Yung jeep, tricycle, apartments, hindi nawawala sa panahon ‘yan.”

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review