Friday, January 15, 2010

Maricar Reyes intimidated of Kris Aquino!


MATAPOS lumabas sa I ♥ Betty La Fea, May Bukas Pa at Lovers in Pa­ris, kasama naman si Maricar Reyes sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo na magsisimulang ipalabas sa Lunes nang gabi sa ABS-CBN.
Syempre pa, nagpapasalamat ang 25-anyos na aktres sa patuloy na suporta sa kanya ng Kapa­milya Network.
“I have no words to express kung gaano ako ka-grateful na mabigyan ng chance, kasi, alam ko naman kung gaano kahirap pumasok sa showbiz at kung gaano kahirap mag-stay,” sabi ni Maricar.
“Kasi, kapag binigyan ka ng project, minsan hindi mo alam, last project mo na pala ‘yun.
“So, nagpapasalamat ako na nagtitiwala sila sa akin at may ibinibi­gay silang roles na kakaiba. So I hope I don’t let them down...

“I am just so thankful na sobrang pinagkakatiwalaan nila ako. And whatever role that they give me, I try to do my best.”
Ang papel ni Maricar sa Kung Tayo’y Magkakalayo ay si Celina Sebastian na asawa ni Steve (Gabby Concepcion).
Kumustang katrabaho si Kris?
“Ako po ay asawa ni Gabby dito -- dutiful wife and medyo submissive siya. Family is important for her, family comes first, ‘yung gano’n,” sambit ni Maricar.
“First impression ko kay Gabby, nagkita kami for the pictorial, and I discovered na napaka-friendly niyang tao. Kuyang-kuya siya talaga. “Tapos, lagi siyang matsika. He always tries to make the atmosphere very light kahit magti-3:00 AM na, nagjo-joke-joke siya.
“Since mag-asawa kami sa soap, kailangang magkaroon ng chemistry between us. Pero sa sobrang friendly niya, right away, maganda na ‘yung loob ko sa kanya, so, madali nang umarte as his wife.”
Eh si Kris?
“Nakaka-stress! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Maricar.
“Siyempre, kasi ‘yun nga, eh, ever since my first show, awa ng Diyos, ang mga nakakasama ko, ang gagaling nila.
“Everytime, I have this pressure to perform my character well, kasi, ‘yung mga kasama mo, magagaling din.
“Four or five times na kaming nakapag-taping and yes, nagkasama na kami [ni Kris].
“I am sure this has been said about her already pero she’s so intimidating.
“Mabait siya. Sa set nga, tsinitsika niya ako, tinatanong niya ako ng questions like what did I do for Christmas, ganyan-ganyan...
“Pero siyempre, si Kris Aquino siya. Kinakabahan pa rin ako. But she’s nice and very motherly.
“Second taping day ko pa lang kasama ko na siya, pero nasa adjustment period pa rin ako. I’m still intimidated. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Eh ‘yung movie nila nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo?
“I think sa February na ang showing,” sagot ni Maricar.
“Nag-start kami mag-shoot nu’ng December pa. Tapos, meron pa kaming naka-schedule na shoot sa Malaysia at the end of the month. “Nakakatuwa, kasi, ‘yung sa set du’n sa movie, para silang barkada. Tsaka welcoming sila.
“So, pag may new face, kikilalanin ka, kukulit-kulitin ka nila.
“Medyo hindi ko na kailangang mag-adjust this time around, kasi, kapag na-meet mo sila ulit, parang old friends lang ang treatment.
“Si John Lloyd, maga­ling talaga. Sa tuwing may eksena kami, makikita mo talaga ‘yung character sa mata niya, na siya talaga ‘yung ginagampanan niyang character. So, ang galing.
“Naeengganyo ka rin na i-develop ‘yung character mo.”

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review