Thursday, January 7, 2010

PBB Housemates surprised at Big Utol!



SA pagkawala ni Big Brother, si Big Utol muna ang namamahala sa bahay at housemates sa Pinoy Big Brother Double Up.
Matapos mag-collapse at isugod sa ospital, pinayuhang magpahinga si Kuya ng mga doktor.
Magkaiba ang cha racters nina Big Bro at Big Utol. Kung si Kuya ay kalmado at mapagpasensya, si Big Utol ay mapang-asar, mapang-trip at prangka.
Akala ng housemates ay makakasundo nila ang cool at casual character ni Big Utol, pero hindi pala sila uubra. Sabi nga ni Big Utol, siya ang batas.
Isa-isang tinawag ni Big Utol sa kanyang sari ling confession room ang housemates. Isa itong maliit at madilim na silid.



Pinakaba ni Big Utol ang housemates sa pamamagitan ng mga kinakatakutan nilang hayop.
Si Paul Jake ay nagulat sa ipis na kalakip ng lukot na task letters. Si Cathy ay pinagbuhat ng isang sawa. Si Kath ay iniharap sa isang daga.
Si Jason ay nakarinig ng mga kaluskos at ingay ng unggoy, samantalang si Melai ay nakarinig ng pagkahol at alulong ng aso.
Kakaiba rin ang pagdidisiplina ni Big Utol. Nahuli niya na sumisimple ng tulog si Cathy sa living room. Para magising ito ay inutusan niya si Sam na buhusan ito ng tubig sa mukha.
Sa weekly task na ibini gay niya, 2,010 minuto lang pupuwedeng matulog ang housemates sa linggo.
Kailangan ding makabuo ng 2,010 pagsipa ang dalawang grupo ng housemates, kung saan hindi maaaring malaglag ang pamato nito.
Anu-ano pa ang mga sorpresang dadalhin ni Big Utol sa Bahay ni Kuya?
Kailan kaya babalik si Kuya para sawayin ang kanyang pasaway na kapatid?

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review