Thursday, January 14, 2010

Judy Ann Santos on Claudine Barretto transfer to GMA7!



Her thoughts on Claudine's GMA7 Transfer:

“Nagulat at na-shock ako pero at the same time, naintindihan ko naman agad kung bakit may ganoon siyang naging desisyon. Hindi naman siya nag-iisa sa pagi-isip ng ganu’n. Maaaring hindi lang ako ang artistang umaamin. O, baka nga ako lang ang artistang umaamin na nag-isip din akong lumipat, pero marami ‘yan. Hindi n’yo lang alam kung sinu-sino pero marami ang mga ‘yan.”

On her Loyalty to ABS-CBN:



“Hindi naman. Ang sa akin lang, bilang isang artista, it’s something beyond that. Hindi na dapat maging usapan ‘yun. Sa akin kasi, sa panahong ito, kung gustong lumipat ng isang artista at doon siya magiging masaya, desisyon niya na ‘yun. Kung wala ka nang sapat na trabaho sa kung nasaan ka, tama lang naman, lalo na kung pamilyadong tao ka. Hindi na ang sarili mo lang ang iisipin mo.”

She added, “Hindi maiiwasan na may mga mag-react. Pero, buhay mo ‘yan, eh. Susundin mo kung ano ang gusto mo na alam mong makabubuti sa ‘yo. Kaya ang dapat, intindihin na lang natin ‘yung tao. Kasi, hindi naman natin alam kung ano rin ang pinagdaraanan niya. I-wish na lang natin what’s best for her.”

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review