Tuesday, January 26, 2010

Kristine, Oyo Boy magpapakasal na sa Amerika!




1. RUMOR:
Umalis si Krista Ranillo last Saturday patungong Amerika, hindi raw para sundan si Manny Pacquiao kungdi para alagaan ang kapatid na may sakit doon.

FACT:
Isang very reliable friend ang nag-overseas call from L.A. sa inyong yours truly kahapon, Monday, around past 2:30 pm dito sa atin at 10:30 pm naman sa L.A. Ikinuwento niyang na na-overheard niya ang pag-uusap ng kanyang friend sa phone at ng isa sa entourage ni Pacman. Hindi raw puwedeng kausapin si Pacman dahil puyat daw. Dumating umano kasi si Krista kaya napuyat ang Pambansang Kamao. Ganu’n? Well, yan ang latest sa Krista-Pacquiao secret rendezvous na hindi naman secret, in fairness.



2. RUMOR:
Ikakasal daw sa Amerika sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.

FACT:
Not bad. Kesa naman live-in sila for life. Kung sa 2010 sila magpapakasal ay sukob sila sa taon ng ni Ciara Sotto na pinsang-buo ni Oyo Boy. Ewan nga lang kung tumatalab ang sukob ek sa isang magpinsang-buo lamang, tsuk!

3. RUMOR:
Marami na naman sa detractors ni Sen. Manny Villar ang nagtaas ng kilay nang magbigay ito ng P3 milyon para sa 50 OFW children para sa educational plan ng mga ito na hiniling ni Willie Revillame sa butihing senador bilang pa-birthday gift sa Wowowee host. Saan daw ba kinukuha ni Sen. Manny Villar ang ipinamimigay nitong malalaking pera?

FACT:
“Ang lahat ng ginagastos ko, ang lahat ng itinutulong ko sa mga kababayan nating nangangaila-ngan ng tulong ay galing lahat sa aking SIPAG AT TIYAGA,” pagbibigay-diin ng butihing senador nang aming makapanayan matapos i-pledge ang P3 milyon sa Wowowee last Saturday.

Source: Mercy Lejarde, Journal.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review