Tuesday, January 26, 2010

KC Concepcion on dad Gabby: ‘Kulang pa kami sa bonding sa totoong buhay’ !



Inamin ni KC Concepcion na sa isang workshop na ginawa nila ng kanyang amang si Gabby Concepcion in preparation for their upcoming movie ay nailabas nila sa isa’t isa ang mga naibaong emosyon nila sa matagal na panahon. Anang panganay ni Megastar Sharon Cuneta, all these time ay akala nila ay nakalimutan na nila ang mga masakit na pangyayari sa kanilang buhay. “Kulang pa kami sa bonding sa totoong buhay tapos biglang pinapagawa sa amin ‘yung mga bagay na parang hindi pa namin napag-uusapan,” pangungumpisal ni KC. “Sa workshop kami nakahanap ng parang chance na ikuwento sa isa’t isa kung ano ‘yung sama ng loob na matagal na nakatago.”



Sa nasabing workshop kasi ay iniakto ng mag-ama ang kanilang mga gustong sabihin sa isa’t isa upang sa gayon ay mas maging natural ang acting nila pagdating sa screen. It is also a common knowledge na matagal nagkawalay ang mag-ama. “Naapektuhan din pala siya sa mga pangyayari sa past namin. Kasi minsan nakakalimutan na lang natin or we try to forget kung ano ‘yung masasakit na nangyari sa atin para masaya lang,” paliwanag ni KC.

On Gabby’s part, thankful naman siya sa chance dahil mas naging malapit umano silang dalawa. “Kung mayroong mga pader na nakaharang, magigiba lahat ‘yon. Nadidiskubre namin sa isat-isa na mas deep ang bonding namin, especially ‘pag nailabas mo na,” ani Gabby. “’Yung mga nangyayaring ganung bagay, sa tunay na buhay ay parang nahihiya ka pa pero kapag nilabas mo na dito dun na lalabas ang lahat (ng gustong mong iparamdam).”

Meanwhile sinabi ni KC na never niya umanong naisip na magkakatotoo ang paggawa niya ng pelikula kasama ang tunay na ama. “I never thought it would be possible. It wasn’t even part of my dream list kasi out of this world na siyang dream, eh.”

Nagkaisa rin ang mag-ama sa pagsasabing kung anuman daw ang emosyon na mailalabas nila sa kanilang upcoming movie ay may pagkatotoo ito.

Source: Bernie Franco, ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review